Ang blog post na ito ay susuriin ang modernong konseptong, ritual ng mga muslim. Marami ng pagbabago ang pinagdaanan ng mga muslim, sa pagdaan ng panahon. Isa sa mga ritwal na ating susuriin ay ang kasalang muslim. Malaki ang naging pagbabago ng tradisyunal at modernong kasalang muslim kagaya ng kasuotan na siyang kadalasang makikita na isa sa mga malalaking pagbabago sa isang kasalang muslim.
Isang ehemplo ng tradisyunal na kasuotan ng kasalang Muslim.
Ito naman ay ehemplo ng modernong kasuotan ng kasalang Muslim.
Makikitang nagiba na ang kulay, daloy at iba pang bagay na makikita rin sa mga nakasanayang kasal. Ngunit makikita rin na hindi nawawala ang mga importateng konsepto na makikita sa tradisyunal na kasalang muslim. Tulad na rin ng belo na tumatakip sa ulo at buhok ng mga kababaihan.
Imahe mula sa Google Images.
Imahe mula sa Google Images.
Imahe mula sa Google Images.
Bantog ang kanilang mga hawing tela. Kinukulayan nila ang mga sinulid na abaca bago hawiin, pinung-pino at kaakit-akit ang mga kathang kulay sa tela. Ang telang gagamitin sa kasal ay inaabot ng ilang buwan hawiin; may paniwalang mapalad ang telang ito, hindi ginugupit at baka malasin. Ginagamit pa uli sa panganganak at isa iba pang pagdiriwang. Kapag ipagbibili ang telang pinangkasal, kinakabitan o tinatalian muna ng sinsing na tanso nang hindi magalit ang mga espiritu.
Imahe mula sa: www.likha.org/ galleries/variations.asp |
Ang kasuotan ay moderno na rin kung kaya’t makikita na naka-“gown” na lang ang mga nagpapakasal na babae.
Isang uri ng modernong gown ng mga Muslim
Mula sa Google Images
Natatanging kalalakihan lamang ang pwedeng mag-asawa ng mga hindi Muslim samantalang ang mga babae ay kailangan Muslim ang mapangasawa.
Maaring hindi magpakasal ang babaeng Muslim kung kaniyang nanaiisin. Siya ay may karapatang tumanggi.
Ang mga kababaihan na Muslim ay protektado ng mga kalalakihan lalo na ng kanilang mga asawa. Kadalasan ay hindi na pinagtatrabaho ng kanilang mga asawa ang mga kababaihan at naiiwan na lamang sa kanilang bahay upang gumawa ng mga gawaing bahay at alagaan ang kanilang mga anak. Subalit, mayroong mga pagkakataon kung saan kinakailangan din magtrabaho ng mga kababaihan. Kung ang estado nila sa buhay ay hindi naman ganoon kataas at sila'y naghihirap, maaring magtrabaho ang mga babae tulad na lang ng mga nakikita natin madalas na kung saan ang mga kababaihan ay nagbebenta ng mga gamit.
Sa modernong panahon, maaring di na dumaan sa mahabang proseso ang kasal ng dalawang magnobyo basta ito ay aprubado ng dalawang panig. Maaring magpakasal na kaagad. Hindi na ito dadaan sa prosesong Dialaga (unang pagdalaw), pamamanhikan, Luka sadulang (permitted to date), Lantang (sa mga kalalakihan na kamag-anak ng babae), at Luka sagiban (babaeng kamag-anak ng babae).